Friday, February 13th, 2009...3:30 am
Paraskavedekatriaphobia
Happy Friday the 13th sa inyong lahat.
Ako’y lubusang nagtataka kung bakit hindi ipinagdiriwang ang Friday the 13th sa bansa natin. Kung ang “Aswang Fetival” nga pinagdiriwang, Friday the 13th pa kaya?
Kung tutuusin naman, makapangyarihan ang pangulo ng Pilipinas at hindi siya takot pagtripan ang kalendaryo. Kulang nalang gawing December 27 ang Pasko, January 4 ang New Year, at February 5 ang Araw ng mga Patay alang-alang sa holiday economics. Pero bagamat merong kapangyarihan si Gloria Macapagal-Arroyo, di kinaya ng kapangyarihan niya ang pagtripan ang banal Friday the 13th.
Hindi ako naniniwalang malas ang Friday the 13th kaya kailangang maging extra careful ka sa mga trip mo sa buhay. Sa tingin ko, ang mga minamalas lang sa Friday the 13th ay yung mga hindi lumalabas ng bahay at nagtotodo ingat sa paniniwalang maari silang malasin dahil malas ang araw na yun. Haba ng sentence no?
Wala akong paki-alam sa araw na yan dahil kapareho lang yan ng ordinaryong Friday. Walang espesyal. Hihintayin mo pa ba ang Friday the 13th para lang mag-ingat na makatapak ng tae habang naglalakad ka sa gabi? Kung mamalasin ka, mamalasin ka. Yun lang yun.
Pero parang kinokontra ko yata ang sarili ko dahil sa mga pambungad kong talata, nais kong ipagdiwang ang Friday the 13th. Siguro. Marahil. Ganun nga. Pero gaya naman ng ibang holidays na ipinagdiriwang sa bansa natin, wala naman talaga tayong paki-alam diba? Ang importante lang yung makakapahinga ka at makakatulog ng mas mahaba kaysa sa nakagawian.
Gayunpaman, patok parin ang Friday the 13th dahil sa pwede itong gamiting topic sa blog entry kapag wala ka nang maisulat.
Eto pa ang ilan sa mga trivia tungkol sa Friday the 13th na hindi mo pwedeng i-copy-paste sa blog mo dahil ako nakaisip nito, pero baka naisip mo rin:
- Ang Friday the 13th ay pwedeng mangyari sa lahat ng buwan ng taon kung papayagan ng kalendaryo mo.
- Bagamat pwede itong mangyari sa buong taon, hindi ito pwedeng maganap twice a month unless dalawa ang 13 sa kalendaryo mo.
- Kahit na dalawa ang 13 sa kalendaryo mo, hindi parin pwedeng mangyari twice a month ang Friday the 13th kung hindi Friday ang parehong 13 sa kalendaryo mo.
- Laging Saturday the 14th ang kasunod ng Friday the 13th maliban nalang kung bobo magbilang yung gumawa ng kalendaryo mo.
- Hindi apektado ng leap year ang Friday the 13th.
- Di tulad ng birthday mo na gumagalaw minsan Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday, Friday, Tuesday, at Thursday, ang Friday the 13th ay sa Friday lang talaga maaring maganap.
- Ang mga may birthday lang ng ika-labing tatlo ng buwan ang pwedeng makaranas ng birthday na Friday the 13th–at hindi yun nangyayari annually.
- Ang Friday the 13th ay di pwedeng mangyari sa unang Biyernes ng buwan.
- Ang Friday the 13th ay di rin maaaring mangyari sa huling Biyernes ng buwan.
- Kailangang Sunday ang first day of the month para ma-activate ang Friday the 13th.
- Uso ang pag-gawa ng blog entry tungkol sa Friday the 13th kapag Friday the 13th.
- Wala na. Di umabot ng 13 ang naisip ko.
February 14, 2009
Pareng Louie,
Happy Valentines
4 Comments
February 13th, 2009 at 3:45 am
“Kung tutuusin naman, makapangyarihan ang pangulo ng Pilipinas at hindi siya takot pagtripan ang kalendaryo. Kulang nalang gawing December 27 ang Pasko, January 4 ang New Year, at February 5 ang Araw ng mga Patay alang-alang sa holiday economics.”
————————————
-Sa kin ok lang yung holiday economics. Dati di ko ma-gets point ni Gloria e. Buti may nagpaliwanag sa kin. Ang ayoko lang lagi na lang Monday walang pasok. Wala naman talaga kong pasok tuwing Monday. Di ko tuloy madama yung “holiday”.
February 13th, 2009 at 7:22 am
Heh, eto pang ilan na pwede mong madagdag:
* Napakaswerte ng isang nilalang na: Friday the 13th ang Birthday tapos, 13th Birthday niya pa, sa taong 2013. Pero di na mangyayari na sa 13th month ka pa mag birthday.
* Speaking of 13th month, di ka rin naman makakakuha ng 13th Month Pay porket Friday the 13th.
Ayun. Hahax!!!
Salamat sa blog!
February 25th, 2009 at 10:56 pm
lumalabas din ba si freddie krueger pag friday the 13th?
July 4th, 2009 at 1:03 am
Pwedeng pangalan ng robot namin yun ah. “Friday XIII”
Leave a Reply