Friday, November 28th, 2008...10:01 pm

The best manong ever

Jump to Comments

Feeling ko kahapon eh binatang binata ang outfit ko. Naka-black shoes pa ako. Dahil nga nagagwapuhan ako sa sarili ko, naglagay na rin ako ng cologne para naman makapagpapogi ako sa mga inday na nagwawalis sa harap ng bahay.

Medyo maaga akong umalis upang pumasok sa opisina dahil nagbabalak akong umuwi ng maaga. Nakikisama naman sakin lahat ng mga sinakyan ko at wala namang umepal sa kanila upang pabagalin ako. Swerte–di rin.

Paano ba naman, yung sinakyan kong FX isang dambuhalang manong yung katabi ko. As in dambuhala. Yung tipong kapag sumakay eh parang kayang gawing lowered yung FX. Okay lang naman sakin yung may matabing mataba pero sana naman konting respeto man lang.

Ang hindi ko maintindihan, pare-pareho naman kaming P30 ang binabayad kay manong tsuper pero parang mas lamang yata ang benefits na nakukuha ni katabing manong taba. Paano ba naman, sa kanya lang nakatutok yung aircon ng FX.

SOBRANG INIT NG SASAKYAN. Alam niyo yun mga prens, yung pakiramdam mo na nahihilam na ang mata mo sa alat ng pawis na tumutulo galing sa noo mo (na malapad) samantalang yung katabi mong manong na mataba eh gumagalaw pa yung buhok sa hangin. Hinahangin. Tama. Parang hinihipan ni bathala. Parang gumagawa ng music video. Hayup.

Nakakainis talaga. Sana ba kung P70 ang binayaran niya oks lang at maiintindihan ko ang privilege na nakuha niya. Pero hindi eh. Hanep. Yung pwesto ko pa, dahil malayo ako sa aircon, malapit ako sa araw. Hanep talaga. Parang pinagkakaisahan ako ng tadhana na nakikipagtulungan yung walang aircon at init ng araw. Para palay na binibilad, yun nga lang pinagpapawisan ako. Nasira tuloy yung binata-look ko.

Pero kung sa tinign niyo yun na yun–wala lang. Kumag si manong eh. Pano ba naman, mataba na siya, ibig sabihin mas malaki ang volume na kakainin niya sa upuan. At aba naman, anlaki pa ng bukaka. At siguro nga dahil sa sobrang lamig, nakuha pang matulog. Hayup na buhay yan. Yung ulo niya eh nagti-tilt pa papunta sakin. Para bang nangaasar na mabuti. Pambihira.

Sa likod ng FX ako nakasakay nung umagang yun kaya minabuti ko na hindi na sumakay sa likod uli papauwi. Sa harap ako nakasakay papauwi. Akala ko swerte na ako.

Aba naman, parang kabarkada yata ni bumbay kaboom kaboom si manong tsuper. Ambango mehn. Nung una akala ko ako yung mabaho dahil sa pinagpawisan ako ng todo nung umaga, pero hindi eh. Napapansin ko na naamoy ko lang yung yung halimuyak sa tuwing kinakabig niya yung manibela. Positive na positive. Si manong tsuper nga ang may sala.

Ang akin lang naman, bakit ba kailangang dalawang beses pa sa isang araw ako mamalasin. Alam kong di na ako naguupdate ng blog at mukhang puro kamalasan at reklamo nalang sa buhay ang kaya kong i-post. Pero anong paki-alam mo, blog ko ‘to.

P.S.: Hanapin ang mga typo. Bilugan.

Nung pagdating ko uli sa bahay, parang hindi naman pala talaga ako mukhang binatang binata. Nagkataon lang na naka-black shoes ako.



15 Comments

  • Fact: Mataba ako.

    Pero hindi ibig sabihin nuon na tulad na ako ni M.D. na sa pagkasarap ng pagkatutok ng aircon ay nakuha pang bumukaka.

    Fact: Nakakatulog ako sa loob ng Van.

    Pero sinisiguro kong nasa gilid ako ng sasakyan, at duon ako sumasandal.

    Ibang klase yang naging katabi mo Kamote. Parang tinadhana na siyang makatabi mo at makasama sa blog na ito.

    To M.D. - Congrats, you just earned the privilege of being imprinted on permanent inks of the Kamote Force.

    XD

    More! More!

  • Neil, maraming salamat sa patuloy na pagsuporta ha.

    Ako rin natutulog sa mga FX. Nagpapasarap ako sa erkon kapag wala akong kaagaw. Amf. Pero iba yung sa kanya eh. VIP treatment talaga. Baka mas mahal ang bayad niya at di ko lang napansin.

    WAHAHAHAHA! FTW!

    PangYa!

  • haay. bagay lang ang mga karanasan na yan sayo. haha.

  • Doble bayad dapat dun naranasan ko na rin yan nung biglang pumasok ung matabang baboy sa bus e nag kataon na ung upuan ko na lang ung my space shit pag upo niya kala mo umupo din pati ung anino bad3p buti na lang e malapit na akong bumba sa bus at makakalas na rin ako sa pag ka gapos ko… meron nga pala akong blog tungkol sa mga BABOY un lang

    Babush

    http://jex009.blog.friendster.com

  • hahaha! parang ito rin ung reklamo ni ronturon. . hindi ka ba marunong magreklamo? sana kinausap mo kahit conte. . “manong, pwede magpapayat kayo kasi sinasakop nyo ang mundo eh. . ” lol. . tapos ung sa driver naman. . “manong, alam nyo ba bago sa rexona ngayon? piso a day proteksyon ebridey!” hahaha. . isang malaking hagakhak. .

  •   NIKKI ANGELI SARMIENTO
    November 30th, 2008 at 3:55 am

    Clarence, mukha kang binatang mature nung naka-polo ka. PRAMIS! clap clap!

  • @jex009
    Kung pwede lang matupad ang sinasabi mo maganda siguro yun. @_@… Pero hindi eh. At oo, wala akong palag. Matiisin ako eh.

    @papel de hapon
    Naku, matiisin ako. Uto-uto. Tanga. Sa internet lang ako maangas pero wala talaga akong palag IRL. Bale loser ako. Yun yun.

    @NIKKI ANGELI SARMIENTO
    LOL KA BAKIT NAKA-ALL CAPS!?

    Sige sa susunod na layas natin magpolo ako para DOM na DOM.

  • Siniko mo sana sa mukha si Mamang mataba. (Huwaw! Rhyme! *LOLz*)

  • nice site. napadpad lang ako dito at nag basa basa narin ng iba mong mga post. baka gusto mo rin magbasa ng aking munting blog. http://waitlangwalaakongmaisip.wordpress.com

  • buti na lang at naligaw ako sa database ni badoodles.. nadiskubre tuloy kita…

    sus, parehas tayo ng near death experience pagkatabi ang makapangyarihang amoy ni manong drayber at may katabi akong mukhang sumo wrestler sa laki…

    add kita blogroll ko ha.. natuwa ako sayo eh.. cheers? cheers!!!!!!!

    http://anakngpiso.wordpress.com/

  • Kawawa ka naman. Oks lang yan. Nangyayari talaga ang ganyan. Ako nga rin eh, minamalas.

    Hahaizt!

  • mataba ako pero hindi ko inaangkin ang buong espasyo ng upuan.. 1/4 lang ng pwet ko ang pinagkakasya ko para makaupo yung ibang tao..

    binilugan ko yung typo mo.. ayun di ko na mabura.. permanent marker kase eh.. lalagyan ko na lang ng whikers at mata para magmukhang doraemon

  • sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

  • Dapat mag-aklas ka pare! Magwelga sa Welcome at sabihing “Ipatupad ang batas na bawal solohin ang air-con sa loob ng FX LAHAT AY NAGBABAYAD!”

  • Hehe…

Leave a Reply