Friday, October 31st, 2008...7:56 am
Art
Babala: Maraming larawan.
Siguro inaakala mo na puro kagaguhan lang ang matutunan mo sa Kamote Force. Tama ka. Hindi ako nagsasawang magbahagi ng kaalaman sa inyo at ngayon ay ipapamalas ko sa inyo kung gaano ako kahusay na artist.
Ang artist na tinutukoy ko ay hindi yung mga sumasali sa Starstruck. Lingid sa inyong kaalaman, ako po’y isang mahusay na Digital Artist. Kung ano yung digital artist, hindi ko alam. Basta ako yun at marunong ako. Kung ang MMDA nga eh may kasuklam-suklam na MMDA Art na mas masahol pa sa mga glitter graphic comments sa Prenster, bakit mo pipigilan si Kamote na may prestigious art gallery? Ngayon, ipapakita ko sa inyo ang aking mga work of art gamit ang… Adobe Photoshop CD Burn Edition.
Naisin ko mang i-display ang aking mga obra, mas gusto kong magpakita sa inyo kung ano ang kaya kong gawin sa mga payak at simpleng larawan. Eto ang halimbawa:
Gamit ang aking Adobe Photoshop CD Burn Edition, ipapakita ko sa inyo kung paano ko papagwapuhin ang likas na gwapong model na itatago nalang natin sa pangalang Kamote.
Dito na dumarating yung pinakamahirap na dako sa paggawa ng mga obra. Anong gusto mong gawin? Ang mungkahi ko lamang ay gawin mo kung ano lamang ang kailangan. Ano bang kailangan ng larawan sa itaas? Anong kulang? Anong sobra bukod sa kagwapuhan? Yan ay ilan lamang sa mga katanungan na dapat punan ng kasagutan.
Ayon sa aking masusing pagsusuri, mas maganda kung naka-dilat ang ating modelo. Gamit ang pinagsamang kapangyarihan ng Adobe Photoshop CD Burn Edition (hanep ah, nakakapagod nang itype ng paulit-ulit) at CD-R King USB mouse, papadilatin ko ang mga mata ng ating modelo. At eto na nga…
O diba? Doon sa unang larawan, animo’y naka-titig manyak lang kung saan ang ating modelo. Ngayon, diretso na ang mata niya sa camera. Kewl. Sample palang yan. Halos 1 seconds (actually 1 minutes) ko lang yan ginawa. Pero hindi lang yan ang kaya kong gawin. Nangongolangot pa nga ako nung ginawa ko yan eh.
Gawing cartoon character? Pwede…
Parang nangolangot lang rin ako niyan. Eto mas malupit:
Oha. Astig diba? Napaka-amo ng pagkakaguhit ng mukha. Pwedeng pwedeng isama sa Precious Moments 2009 calendar. Pero madali lang rin yan. Gumuhit ka lang ng mata na gaya ng kay Kapitan Basa (Batibot) tapos yun na yun. Tsk. Napakasimple. Kung gusto mo ng mas cartoon effect, pwde mo ring paghaluin yung dalawang nasa larawan para astig.
Baka iniisip ninyo na puro cartoon lang at pagpapadalit ng mata ang kaya ko. Nagkakamali kayo dun. Pwede ring pang cosplay ang photo editing skillz ko. Kunwari, gawin nating seksi ang bading nating model:
Sadyang napaka-seksi. FHM quality. Kung hindi ko siguro sinabing edited lang ang larawan na yan, malamang ginawa mo nang wallpaper yan. Nakakabilib talaga kung anong kaya kong gawin basta mabigyan mo ako ng Adobe Photosop CD Burn Edition.
Pwede rin nating gawing rock music themed ang larawan kung nanaisin natin. Gusto mong gawing Linkin Park? Pwede. Gusto mong gawing Aerosmith? Pwede. Gusto mong gawing Josh Groban? Hindi pwede kasi hindi naman rock music yun. Walang hangganan ang kaya natin. Kahit gawin pa nating kakambal ni April Boy Regino yan. Pero dahil gusto kong maki-uso, eto sample para sa inyo:
Ang bangs na tumatakip sa mukha na sumisimbulo sa labis na pagdadalamhati at ang kamao ni Judy Ann na nagpapatunay ng labis na pagmamalupit sa isang pusong umiibig–the true essence of emo!
Kapag wala ka nang maisip na gawin, pwede ka ring mag-doodle gaya ng ginagawa mo sa Filipino textbook mo nung elementary ka pa.
Bigote. Balbas. Kulangot. Shades. Nunal. Kapal kilay. Whiskers. Pagpapalaki ng butas ng ilong. Lahat ng mga yan ay ilan lamang sa mga nagpapaalala sayo ng art na ginagawa mo noong bata ka pa na kung tawagin ng mga kontrabida sa buhay mo ay “vandalism.” Very refreshing.
Ang mga natunghayan ninyo ay mga sampler lang ng kung anong kaya kong gawin. Kung bibigyan ko ng sapat na panahon ang paggawa kaya kong gawing Mona Lisa na nakalagay sa bente pesos ang larawan na yan. Pero ano bang magagawa ko. Sadyang tinatamad lang ako at baka isipin niyo sorbang yabang ko na.
Tandaan ninyo na sa pamamagitan lang ng konting imahinasyon, pwede nating mapaganda ang primary picture mo sa Prenster. Pero aanhin mo ang imahinasyon kung wala kang Adobe Photoshop CD Burn Edition at CD-R King USB mouse?
Trivia:
- Kulay dilaw ang CD-R King USB mouse ko.
- Hindi pwedeng i-burn ang Adobe Photoshop CD Burn Edition.
- Si Judy Ann talaga ang lumapit kay Kamote (di niya tunay na pangalan) para magpakuha ng litrato. Noong una ay pumapalag pa si Kamote dahil allergic siya sa babae pero napilit rin niya ang binata.








7 Comments
October 31st, 2008 at 10:34 am
If a pictures tells a thousand words,
Naka 7,000 ka na kaagad sa pictures pa lang.
Yung huling photo… naaalala ko tuloy yung mga LIKHA 1-6 Filipino Books ko na napuno ng mga drowing at sulat.
November 9th, 2008 at 10:23 am
hoy JC! ang kulet mo talaga! tawa ako ng tawa dito! ahahaha!
ahahaha ulet. =D
November 16th, 2008 at 8:48 am
astig ka kamote..
ikaw ba yung may boxing gloves?? =p
November 20th, 2008 at 10:37 am
Hindi rin ako artist pero enthusiast ako.
Ang masasabi ko lang…
Tangnang Adobe, hndi ko man lang nagamit ng matiwasay nung college pa ko.
Mei tutorial kb nun? pa-damay naman ako:p
Mabuhay ang Kamote:)
November 23rd, 2008 at 9:20 pm
hmmm… di ko alam kung anong koneksyon nyo ni holy kamote siguro nga talaga eh pareho kayong kamote kaya naman ikinagagalak kung makilala ang isang tulad mo KAMOTE sana na nga eh pare pareho tayo ng pananaw sa buhay na
“LINISIN ang TANGA sa MUNDO”
I CLICK mo
ng malaman mo
kung bakit
ayaw ko sa
TANGA
December 4th, 2008 at 12:04 am
ahehe.. wag mo masyadong ididsplay yang mga talent mo baka bigla kang sumikat at di ka na magsulat dito sa blog mo.. cheers-glesy the great
December 17th, 2008 at 1:01 am
hahahahahahaha!…
Laglag ako sa upuan sa mga drawings mo pare…
Astig tol…
bwahahahahaha!
Leave a Reply