Wednesday, August 6th, 2008...7:49 am
Dahil kailangan natin ng pera
Pambihira na talaga ang nangyayari sa panahon natin ngayon. Antaas na ng presyo ng mga bilihin. Mataas ang presyo ng gas. Mataas ang presyo ng bigas. Ang pamasahe ay tumaas na rin. Ang bilang ng mga walang trabaho ay patuloy ring tumataas. Sa panahong ito, dapat tayong matutong magtipid at gumawa ng paraan upang magkaroon ng pera upang matulungan ang ating mga sarili, kababayan, at buong bansa.
Isang magandang halimbawa ang mungkahi ng kaibigan kong itatago nalang natin sa pangalang Jan Erick Roque upang masolusyunan ang mga unemployment rate at mapababa ang crime rate sa Pinas: “mag-tapon ng basura sa kalsada.”
Kung magtatapon tayo ng basura sa kalsada, dudumi ang ating mga lansangan. Kapag dumumi ang lansangan, kailangan itong linisin. Upang linisin ang lansangan, kailangan mo ng taga-linis. Upang makahanap ng taga-linis, kailangan mong umupa ng mga taong maglilinis. Eh pano kung lahat ng Pilipino ay hindi na nagtatapon ng basura sa ating kalsada? Malamang hindi na kakailanganin ng bansa natin ang mga Metro Aide. Ang mga metro aide sana ay magiging tambay nalang dahil wala na silang kalsadang lilinisin. Kailangan nilang kumain ngunit wala silang pera dahil wala rin silang trabaho. Kapag nagipit sila at wala na talagang choice, malamang manghoholdap sila. Yan lahat ng mga yan ay mangyayari kapag tinigil mo ang pagtatapon ng basura sa kalsada. HALINA’T MAGKALAT UPANG UMUNLAD ANG ATING BAYAN.
Pero iniisip ko rin na kung lahat ng tao ay mayaman, may gugusto pa kayang maglinis ng kalsada? Kung lahat ng tao mayaman, sino kaya ang magiging katulong, maid, houseboy nila?
Lahat tayo gustong yumaman. Gusto natin ng pera dahil sa kailangan natin ito. Kanya-kanyang tayo ng dahilan pero iisa lang ang sagot sa lahat ng pangangailangan. Di ko man alam kung anong mangyayari kapag lahat ng tao ay naging mayaman, alam ko naman kung paano maging mayaman.
Heto ang top 10 ways to get rich ayon kay Kamote:
10. Magtanim. Maaring hindi ito ang pinakamagandang paraan upang yumaman, pero health is wealth at sigurado akong di ka magugutom kung ang mga kakainin mo ay nasa bakuran mo. Kung desperado kang yumaman, magtanim ka ng Marijuana at ikalakal mo.
9. Magtrabaho as call center agent. Konyo ka na, yumaman ka pa. Eto ang “in” na job ngayon. Sumagot ng telepono. Konting ingles ingles lang at magpanggap kang hindi Pinoy. May libre pang kape. Guaranteed ang nightlife mo dahil mas madalas kang nightshift. Yayaman ka. Laway ang puhunan mo.
8. Magnegosyo. Tandaan mong mas marami ang umuunlad sa pagnenegosyo kaysa sa pagsa-sauli ng napulot na P500,000.00 kay Mike Enriquez. Magbenta ka ng lugaw at drugs. Mambugaw ka ng mga pokpok. Lahat yan ay magiging stepping stone mo sa pagunlad. Ayon nga sa status message ng isa kong kasama sa trabaho, “you can’t get filthy rich without getting dirty”. Naks ingles no?
7. Gumawa ng krimen. Ang paggawa ng krimen ang isa sa pinakamabilis na paraan ng pagyaman. Mangholdap ka ng bangko. Kidnapin mo ang anak ng isang Chinese businessman. Gumawa ka ng mga pekeng pera. Lahat yang mga yan ay magbibigay sayo ng limpak-limpak na salapi. Mabilis ang pagyaman mo sa paggawa ng krimen. Tandaan lang na hindi lahat ng krimen ay magpapayaman sayo gaya ng paglabag sa Jay Walking city ordinance, pangre-rape, at beating the red light. Ingat ka lang sa modus operandi na pipiliin mo.
6. Itaya ang lahat ng possible lotto combinations. Tama. Maraming tao ang umaasa sa lotto upang mai-feature ang buhay nila sa “Ang Pangarap Kong Jackpot,” ngunit kung gusto mo talagang manalo sa lotto, hindi mo lang dapat itaya ang kumbinsayong napanaginipan mo. KAILANGAN MONG ITAYA LAHAT NG KUMBINASYON. Milyon ang mapapanalunan mo sa lotto. Ipagpalagay mo nang P100 million ang jackpot prize. Itaya mo ang mahigit kumulang 50 million lotto combinations. 50 million combinations x P10 per ticket = 500 million. Oha, sa 500 million mo, nanalo ka ng P100 million. Konting investment lang yan. Pagdasal mong ikaw lang ang mananalo sa araw na yun dahil kapag nagkataong dalawa kayong nanalo, hati ang premyo mo. Pero sure na yun! PRAMIS!
5. Mag-time travel at mangolekta ng mga antiques. Kung babalikan mo lang ang panahon upang kolektahin ang mga rare items noon upang ibenta ngayon, walang dudang yayaman ka. Bumalik ka sa 1500 at kunin mo ang espada ni Lapu-lapu at ipasubasta mo ngayong 2008. Milyun-milyon yun. Bilhin mo ang isa sa mga kauna-unahang Michael Jordan NBA cards. Mag-import ka ng langis mula sa 1967 papuntang 2008. The possibilities are endless.
4. Magtrabaho as escort service. Maraming mga politicians ang nangangailangan ng pangdisplay para pampadagdag ng pogi points nila. Pwede ka ring magside-line as prostitute kung talagang ganun kahigpit ang iyong pangangailangan. Negosyo rin yan ngunit mas sure ang pagunlad mo dahil mayaman ang market mo.
3. Gumawa ng sariling sex scandal at ibenta ng mahal. La Salle Scandal, Makati Scandal, Ateneo Scandal, NBN Scandal–lahat ng yan mapapagkakitaan mo. Kailangan mo lang ng konting kapal ng mukha at isang cellphone para irecord lahat ng mga adventures mo. Kapag confident ka na, iburn mo sa CD o kaya i-bluetooth mo. Instant star ka na at one-step closer ka na sa pagiging super yaman.
2. Magbenta ng mga hindi kailangan. Ang tinutukoy kong mga hindi kailangan ay yung mga hindi talaga kailangan at hindi importante. Ibenta mo lahat ng mga hindi mo kailangan gaya ng kidney, apdo, hinliliit, kaliwang mata, at mga CD ni Sarah Geronimo. Lahat ng mga yan, maibebenta mo ng mahal. Hindi mo naman kailangan ng dalawang kidney kung hindi ka mahilig uminom. Hindi mo naman kailangan ng hinliliit kung hintuturo ang gamit mo sa pangu-ngolangot. Aanhin mo naman ang kaliwang mata mo kung may asawa ka na. Basta hindi kailangan, ibenta upang maging pera. Ewan ko lang sa Sarah Geronimo CDs.
1. Magbasa ng Kamote Force. Tama. Marami na ang yumayaman dahil sa pa-contest ng Kamote Force na sponsored ng Prenster. Eto ang isa sa mga screenshot ng winning moment ng isang masugid na taga-basa.
Oha? Sabi sa inyo may mapapala kayo dito eh. THIS IS NOT A JOKE.
Lahat ng yan ay makakapagpayaman sa inyo, pero kanya-kanya paring diskarte yan upang umunlad. Ikaw lang naman talaga ang makakatulong sa sarili mo at hindi yung kung anu-anong nababasa mo sa internet. Pero ang advise ko lang sa’yo, basahin mo palagi ang blog ko. Marami nang nanalo. Baka ikaw na ang next.
P.S.: Hindi parin ako mayaman. Maaring dahil nagdodonate ako palagi sa charity. At gaya nga uli ng sabi ni Jan Erick Roque (na hindi niya tunay na pangalan), “charity begins with me.” Kaya idonate na ninyo lahat ng pera ninyo sakin.
Hindi totoong 417,655,548 ang naging visitors ng Kamote Force. Kalokohan yan siyempre. Napaka-obvious naman at uto-uto lang maniniwala diyan. Tsk. Wag maging bobo. Mag-isip muna palagi. Alam naman nating lahat na 782,671,932,483 na ang naging visitors ng Kamote Force.

5 Comments
August 12th, 2008 at 3:31 pm
Ayos ah! Gumawa ng krimen para di mawalan ng trabaho ang mga kapatid nating pulis!
August 12th, 2008 at 3:32 pm
Ako pala to kamote c humblejowdie@yahoo.com ang iyong kaakibat sa iyong pagapapayaman
August 15th, 2008 at 8:38 pm
call gurl center agent? pd b?
ai naku.. may kulang…
mag abroad… magpakamatay magtrabaho sa abroad habang ang mga pulitiko ng papakasasa sa pera ng taumbayan sa ibang bansa.
hai,,, ndi nmn dapat naghihirap ang mga pilipino kung hindi kurakot ang mga pulitiko. kung may disiplina bawat tao. kung masipag sila. kung matiyaga. hai npk idealistic d b?
August 18th, 2008 at 2:20 am
tang ina. alam ko talaga hindi pwedeng lahat ng tao sa mundo eh dapat yumaman kasi wala nang magiging katulong-slash-caregiver-slash-nurse kung ganon! XD pero ako ayoko maging katulong! gusto ko yumaman!
October 2nd, 2008 at 1:58 am
..gusto koh nga tlgang yumaman, pero kung susundin kkoh yung mga tips mo.. baka sa impyerno agad ang bagsak koh.. .. at meron dapat sisihin kung bakit madaming mahirap s pilipinas.. ans mga concerfn citizen… kung hindi sila mapapel. hindi sila maglilinis ng kalsada…
Leave a Reply