Sunday, December 3rd, 2006...6:22 am
OMG
Hindi ako health conscious. Wala akong pakialam sa mga calories, fats at kung anu-ano pang mga trivia tungkol sa pagkain. Naniniwala ako na ang pagbasa ng Nutrition Facts na nakalagay sa likod ng Chippy ay para lang sa mga aspiring Game KNB? contestants. Kaya wag niyo akong takutin na masama ang pag-inom ng C2 Green Tea araw-araw.
Ang mga kakilala ko ay mahilig forward ng e-mail sakin na nagsasabing madumi ang pagkain sa Jollibee, hindi dapat kainin ang Cadbury, di dapat kumain ng noodles araw-araw, iwasan ang masyadong matatamis na pagkain, at ang mga pagkain daw sa Starbucks ay nakakapag-payabang ng mga social climber. Natatawa ako dahil halos sila rin mismo ang dating nag-kwento sakin na ang kape ng Starbucks ay mahusay na pamatid gutom ng mga call center agents, at ang naman daw noodles ay nakakapag-pahaba ng buhay ng mga uto-uto. Tulad ko, ang gulo nila kausap.
At dahil nga alam kong naguguluhan ka, eto ang mga dapat mong tandaan para maging mahusay, matiwasay at masustansiya ang iyong buhay:
- Walang masama sa pagkain ng Chippy (na kulay pula) araw-araw basta namimigay ka.
- Mabuti ang C2 Green Tea sa katawan. Mas lalong mabuti ito kung nabibili mo ito ng mas mababa pa sa P20.00.
- Mas masustansya ang isang pack ng Snacku kaysa sa Sinigang, Adobo, at Paella. Sinasabi lang ng nanay mo na junk food yan dahil nagtitipid kayo.
- Ang pag-inom ng Gin ay mabuti sa katawan. Mas masustansya ang Gin-Yakult kaysa sa Gin-Pomelo--kahit itanong mo pa sa doktor.
- Nakakapagpalakas ng katawan ang pag-inom ng Sarsi na may halong hilaw na itlog. Yan ang sikreto ni Manny Pacquiao.
- Napapanatiling malinis ng Buko juice ang ating katawan. Nadadagdagan nito ng extra 1 liter ang ihi mo araw-araw.
- Ang Happy Peanuts, bukod sa hindi nakakapagpasaya, ay hindi rin nakakapagpatalino.
- Ang Red Bull, Extra Joss, at Lipovitan ay nakakapagpatalino ng mga estudyante lalo na kung sila’y nasa cramming stage.
- Ang isaw ay epektib na gamot laban sa LBM.
- Wag na wag uminom ng gatas na may halong Lactacyd. Hindi totoong nakakatanggal ito ng tigyawat.
- Ang Siopao na may halong pusa ay nakakapagpahaba ng buhay ng mga pusa.
- Ang pagkain ng Pringles at iba pang gawa ng Proctor & Gamble (e.g. Tide, Downy, Pampers at Head & Shoulders) ay masama. Iwasan ang mga produktong ito para hindi ka mapunta sa impyerno.
Lahat ng sobra ay masama. Hindi mabuti ang sobrang pag-iingat sa katawan at sa kinakain. Gaya nga ng sabi sa Bible (naks!), ang magpapahamak satin ay ang mga lumalabas sa bibig natin at hindi ang mga pumapasok dito. Sa dami ng sinabi ko, mukhang malinaw na yatang mapapahamak ako.
P.S.: Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit ko ginagawang italic ang mga salitang yun.
4 Comments
December 4th, 2006 at 6:31 am
Wahahahaha! my bago ka palang blog! kakatawa! ayus ha! marunong ka pala magbasa ng bible kaso mali ang sinabi mo! di sa pumapasok sa ating bibig ang nag papadumi sa tao kundi ang lumalabas sa bibig! :)) pero ayus!
December 5th, 2006 at 6:11 am
Awrayt Kamote!
Ang saya saya ko talaga
Yipee! Yipee! Yipee!
Na-try ko na yung Gin-Chocolait pero yung Gin-Yakult ay hindi pa. Salamat sa payo mo Kamote at magiging healthy na ang toma sessions namin.
Sana tuloy tuloy na ulit ang pagsusulat mo Idol Kamote!
December 7th, 2006 at 11:17 pm
Hanep may bagong entry ka pala. Hindi lang telenovela ang may karapatang subaybayan ng mga tao. Marami rami na rin kaming sumusubaybay dito sa blog mo eh.
More ideas to come. More power to your blog. Mwah mwah!
PS. May naghahamon ng 1on1 sa’yo. Check mo yung Challenge section.
December 21st, 2006 at 7:32 pm
Mag-update ka na Kamote!
Magnnew year na!
Leave a Reply