Saturday, December 30th, 2006...5:07 am
Jologs ang blog ni…
Masyadong publicized ang articled sa person of the year ng Time magazine. Lahat ng mga feeling person of the year eh proud na proud sa sarili nila. Pero dahil uso yun, hindi ako naki-uso.
Ang dami na ng mga Pinoy bloggers ngayong panahon na ‘to. Pero konti lang sa kanila ang may sense. Blogista daw. Dahil dumadami na ang Pinoy blogs, dumadami na rin ang jologs version nito.
Dahil nga sa hindi maitangging dami ng mga polluted blogs sa blogosphere (watta word), naguguluhan na ang mga kababayan natin kung paano matukoy kung jologs ang isang blog o hindi. At yun ang layunin ng post kong ito. Ituturo ko sa inyo kung sino ang jologs at hindi. Sagutin lamang ang mga katanungan sa baba.
- Puro ba tungkol sa love life ang posts na nababasa mo?
- Ginagawa ba niyang extension ng Yahoo! News ang blog niya sa pamamagitan ng paglalagay ng sandamukal na balita?
- Naliligo ba ito sa online quiz?
- Puro embedded YouTube videos ba?
- Marami bang lyrics na naka-post?
- Puro tula ba ito?
- Puro tula ba ito na hindi gawa ng blogger?
- May mga larawan ba ng anime?
- Puro ba ito larawan ng gelpren niya?
- May larawan ba ito ni Madam Auring?
- Maliliit ba at makukulay ang mga text?
- GaNiTo Ba AnG pAgKaKaTyP3 nG mGa tExT ña?
- Is a blog containment in a english format language sentences in who can understanding it in a very goodest manner? (Translation: “Bobo ba mag-english ang nagsulat?”)
- Puro ba ito mga malalalim na idea na wala naman talagang sense?
- May post ba ito na ang pamagat ay “A letter of a broken hearted” at si Ivan ba ang author?
- Puro ba jargon tungkol sa nursing ang nilalaman nito?
- Ang kwentuhan ba ay umiikot tungkol sa mga gimik, inuman, party, at pagiging cool?
- Ang spelling ba niya ng “cool” ay “kewl”?
- Puro ba walang katapusang kwentong pulitika ang pinaguusapan sa blog niya?
- Nag-copy paste na ba siya ng isang part sa libro ni Bob Ong?
- Naka-host ba ito sa Friendster Blogs?
- Kamote Force ba ang pangalan ng blog niya?
Kung “oo” ang sagot mo sa karamihan sa mga tanong na yan, jologs nga ang binabasa mo.
Pero ano nga naman ba ang paki-alam ko. Blog nila yun kaya bahala sila kung anong gusto nila i-post. At bakit ko nga ba pinakiki-alaman? Dahil sa blog ko ito at bahala ako sa gusto kong i-post.
Ang mag-react dito ay guilty at ayaw umamin na jologs ang blog niya o ang blog na binabasa niya.
P.S.: Eh ano naman ngayon kung jologs ang blog mo? Pareho lang tayo diba.
15 Comments
December 30th, 2006 at 11:30 pm
wohoooooooooooooooooooooooooooooo
di jologs ang blog mo! halos lahat ng nandito eh puro kalokohan at panlalait ang topic! =)) ayus talaga ang blog mo!
January 1st, 2007 at 5:37 am
Oo nga, tama ang friendster mong si Justine, hindi jologs ang blog mo Clarence! Panalo ito! :>
January 1st, 2007 at 9:36 am
Hataw ang Kamote Force!
One & only!
January 2nd, 2007 at 11:07 am
Teka? danielle anong ibig mong sabihin sa friendster mong si justine? kaw gay okie? wahahaha! isa ka pala sa tinutukoy ni gmard na naniniwala na di ako existed sa mundong ito! wahahaha! di po ako si clarence! ako po si justine salvacion taga italy! tignn mo na lang ang profyl ko! http://www.friendster.com/kurochan05
January 3rd, 2007 at 1:06 am
LoL! Natawa ako sa’yo Justine. Pogi mo talaga. Wala siyang alam sa inexistence mo. Bwahahaha. Pero ayun nga. LoL! Mga kaklase ko lang mga nagsasabi nun.
Nakalaro natin yan sa Pangya dati. Siya si asheara kung naalala mo pa. So much for the introduction.
Bukas, pupuntahan ko na si Ate mo. Too bad wala akong blank DVD. May DVD writer pala yung laptop ni Patrick (Kumag, siya lang may laptop. Hanep. Nursing pa.) kaya dapat magburn ako. May DVD ako ng Kansas at masasabi kong mas gusto ko sila kaysa sa lahat ng prog bands.
Basta. Gripmaster at libro deliver bukas.
January 3rd, 2007 at 9:48 am
Good pogi! ahh siya ba yun? eh bket ganun ang sinabi niya! :)) miss na kita pogi! kailan kita kaya kita ulit makakachat! kasi namn malapit na ang anniv lagi ako maaga umaalis pag sabado! kaya di kita nakakachat! wahahahaha!
January 4th, 2007 at 6:12 pm
Miss you pogi mwah mwah.
Nagkita kami ng Ate mo kahapon. Ayun, naibigay ko yung mga libro pero–NAIWAN NG DADDY KO YUNG ISA. Hayup yan. Lima dapat yung libro, pero yung isa eh naiwala niya dahil ginamit niyang patungan ng papel na pinipirmahan niya. Yung naiwala niya ang peyborit ko.
Ibig sabihin, may aabangan ka pa sa August na pag-uwi mo. Andun si GripMaster.
Ganun ang sinabi niya dahil ganun talaga. Friendster = Friend. LoL.
Haven’t gone online too much. Sablay si myDSL dahil sa lindol. Meebo ako lagi.
January 5th, 2007 at 10:01 am
ahhh… capito! hehehe! naku! ano ung title nung libro? bket baligtad bumasa ng libro ang mga pinoy? wahaha! yan lang ang tanda ko sa mga libro niya! exited ako lalo kay grip master! wahahahaha! bukas baka makapg online me bago ako umalis! :))
January 5th, 2007 at 9:33 pm
Boy boy boy. Ang naiwala ni Daddy (ay lab u dad), eh yung Ang Paboritong Libro ni Hudas. Yan pa naman ang paborito ko sa lahat at sadyang nagpatawa sakin. Basta bibigyan kita nun pag-uwi niyo dito. Mwah!
GripMaster nga boy. May kulangot yung isang daliri dun. Ingat ka ha.
January 5th, 2007 at 11:13 pm
waaaaaaaaaaa…. wala ka talga! pupunasan ko na lang! :)) ahh…. tanda ko nga yan title na yan! ginawa natin chatroom ang comment sa blog mo! wahahahaha!
January 6th, 2007 at 8:54 am
Oo nga patok eh. Nga pala, hintayin mo may isusulat akong bago. May idea ako ngayon!
OMGWTF is wrong with my Yahoo Messenger. Di ako makalogon.
January 10th, 2007 at 7:08 pm
@Justine
Naku, anong meron sa sinabi ko? X_X Nais ko lamang iparating na ako ay sumang-ayon sa iyo na hindi jologs ang blog ni Clarence. Yung “friendster” ay general term ko sa mga kaibigan na nasa Friendster. Pasensya na kung nagdulot ito ng kaguluhan, di ko sinasadya. Tsaka… di ako gay. >_<
January 10th, 2007 at 11:01 pm
Bwahahahaha! DANI! YOU OWN! TYPO KA JUSTINE! BWAHAHAHAHAH!
BWAHAHAHAHAHA! LOLOLOL!
January 25th, 2007 at 7:14 pm
Hahaha!
Ayos tong post na ‘to! Nalaman ko na na jologs pala ang blog ko! Hehe.
February 21st, 2007 at 4:30 am
HAHAHAHA! NATAWA AKO SA NUMBER 15! PANALO. HAHAHA XD. Jologs din ang blog ko at dapat itong ipagmalaki! Haha. =) galing!
itapon na ang mga basura blogs na iyan.
Leave a Reply