Wednesday, July 26th, 2006...7:18 am
Pulitika ayon kay Mr. Garcia
Disclaimer: Minsan lang ako maging seryoso kaya makisama naman kayo.
Hangga’t maari ayaw kong magsalita at magkwento tungkol sa pananaw ko sa pulitika dahil magmumukha akong jeepney driver (tsuper ng dyip) na sinisisi ang lahat sa gobyerno. Iniiwasan kong pag-usapan ang pulitika dahil gaya ng guro ko, naniniwala akong maaring maging sanhi ng di pagkaka-unawaan ang diskusyon tungkol sa pananaw sa gobyerno. Ayaw ko ng kaaway–at kung gugustuhin ko mang magkaroon nun, sasapakin nalang kita.
Hindi ko maiwasang maawa sa mga taong nag-rarally sa lansangan. Alam kong alam nilang hindi nila mapapababa sa pwesto si PGMA kahit na kumain pa sila ng buhay na dinosaur sa may Plaza Miranda, dahil bukod sa wala nang natitirang buhay na dinosaur, hindi sapat ang “Gloria Resign” campaign nila para pakinggan sila. Ano bang napapala nila sa pag-rarally? Naipaparating ba nila ang gusto nila o nagmumukha lang silang tanga, papansin, at istorbo sa mga civilians na dapat sana eh hindi na-late sa kanilang trabaho?
Q: Ano bang napapala nila sa pag-rarally?
A: Php 500.00!
Lahat ng problema sa bansa natin ay sinisisi sa pangulo. Ang naiisip namang solusyon ng mga tao sa problemang yun ay ang pagkakaroon ng bagong pangulo. At ang gusto nila, ay ibalik yung dating nanungkulan at dati na nating sinuka. Ayus! Tulad ng “Erap! I choose you!” na ipinaparating ng mga militanteng grupo. Parang nag-gagaguhan lang. Katulad ng aso, ang gusto ng nakakarami ay kainin muli natin yung bagay na sinuka natin. Nandidiri ka ba? Nakakadiri talaga ang katotohanan.
Naawa ako kay PGMA. Kahit anong gawin niya, kontrabida siya. Naisip mo na ba na sa tuwing gumagawa siya ng palpak, naiinis ang mga tao at sinasabing kailangan niya nang bumaba sa pwesto at tuwing gumagawa naman siya ng mabuti, sinasabing pakitang tao lang yun at hindi nababagay ang mga pasikat at plastik sa palasyo kaya kailangan na niyang bumaba sa pwesto. Kung ikaw si Gloria Arroyo (or Arrovo), anong gagawin mo? Ako, magsusulat nalang ng blog entry.
Sino nga ba ang may problema? Yung gobyerno o tayo? Mas mabuting sabihin tayong pareho silang palpak. Magaling tayo sa paninisi at pagtuturo ng kamay sa kinauukulan. Sinasabi natin na hindi nila ginagawa ang trabaho nila kaya hindi umuunlad ang bansa. Karamihan mga nagsasabi naman nun ay siya ring bumibili ng mga pirated CDs, nanunuhol ng mga MMDA traffic enforcers, nagtatapon ng basura sa kalsada, bumibili ng mga pekeng produkto, at humahalik sa pwet ng mga banyaga. Ang lahat ng mga ginagawa natin ay katulad lang din ng kalokohang ginagawa ng mga may katungkulan–nagkataon lang na naka-kurbata sila.
Kung lahat ng Pilipino ay gagawin lahat ng mabuti para sa Pilipinas, walang dudang uunlad tayo–pero naniniwala akong impossible yun dahil naniniwala akong tulad mo, hindi ko kayang tiisin ang pirated CDs.
Kung sa tingin mo, hindi ka nakakatulong sa bansa natin, wag mong sisihin ang mga ibang nasa katungkulan dahil sa sarili mong katangahan. Pareho lang kayo. Ang tanong tungkol sa pulitika ay kapareho ng tanong sa moralidad. Bago mo masolusyunan ang problema na bansa mo, kailangan mo munang patayin ang demonyo sa sarili mo.
P.S.: Hindi ako nag-hahamon ng away at hindi lalong ako nag-mamalinis. Pareho lang tayo. Nagkataon lang na kaya kong aminin ang sariling kapalpakan ko. Hindi ako nagpapanggap na perpekto tulad mo.
14 Comments
July 27th, 2006 at 10:34 am
wow.. tama tong blog na ito.. di lang ang presidente ang mali or ung mga nasa katungkulan. kundi ung mga tao rin.. kasi masyadong matitgasa ng ulo ng mga pilipino.. at ito pa.. dun sa mga ng rarally.. isa kaya dun ang maging presidente.. kaya niya kaya paunladin ang pilipinas… tama.. inaamin ko rin na mali si gmard.. dahil ako ay ngmamalinis.. pero masarp talga bumili ng pirited cd at mag tapon ng basura sa kapit bahay.. dba?
July 28th, 2006 at 2:31 am
Hoy! Wag sa kapitbahay!
Wakokoko. Basta, Yahoo! Messenger file transfers parin. Meron akong bagong album ng “Rush” kaya maghanda ka na sa bagong papakinggan mo. Ngayon, naiintindihan ko na talaga kung ano ang essence ng prog. King Crimson naman ang next.
Tsaka na yung Pilipinas. Gitara muna.
MANNY PACQUIAO FOR PRESIDENT!
July 28th, 2006 at 4:20 am
Siguro kung ako rin ay magusulat ng pananaw ukol sa ating gobyerno ngayon, baka ‘yan din ang sasabihin ko pero nais kitang kontradiktahin ngayon. Hehe :p
Oo nga, para sa ‘yo ano nga naman ba ang mapapala ng mga hunghang na ‘yon. Ang tatanga nila ‘di ba? Sayang sa enerhiya, sa pagod, sa lahat na. Pero sa tingin ko kahit na gan’on, sapat na sa kanila na may ginagawa sila para maparating sa pamahalaan na hindi sila sang-ayon sa mga kagaguhan nito. Sense of achievement para sa kanila ‘yun kumbaga.
Hay shet, kahit ako hindi ako sang-ayon sa mga pinagsasabi ko. Sa bagay, mali talaga sila. Maghanap na lang sila ng trabaho at magpataas ng IQ points kesa mag-rally at pumapel sa traffic. Or better yet, magpakamatay na lang sila para mabawasan ang populasyon ng Pinas dahil isa rin naman ‘to sa mga dahilan bakit ang hirap dito. E ‘di ibig sabihin, SILA rin ang may kasalanan kung bakit ganito!
(Haha, o ayan may comment na ako! Special guest appearance?)
July 28th, 2006 at 5:15 am
Wakokoko. Ayaw kong mangontra pero, sa tingin ko, hindi rin naman yatang makakuha sila ng “Sense of achievement” habang nahihirapan ang mga commuters na ginagawa nilang hostage sa tuwing nais nilang iparating ang hinaing nila. Bukod pa dun, dinudumihan lang nila ang ating lansangan dahil marami silang iniiwang basura. Mahal ang Sense of achievement ngayon eh. Wakokoko.
Sa tingin ko, hindi lang sila ang dahilan. Tayo. Wakokoko.
Taya ka na idol!
September 27th, 2006 at 4:18 am
AMEN!!!!!!
grabe astig ka po
September 28th, 2006 at 6:03 pm
Tsalamat!
February 24th, 2007 at 5:37 pm
galing ni clarence tatak garcia eh (HEHE)
March 29th, 2007 at 11:15 pm
yOur sO cOOl! i like ur blog!!! if truth can be told, ur really awesome!!! ur bLog rOcks!!! hanggang ngaun di ko maforget ung isa mung cnbi sa blog entries muh..,
Huli man at Magaling, Late pa rin…
gUd luck sa PAsma mUh!!!
whehehe
October 9th, 2007 at 11:36 am
(oo, alam kong medyo huli na ang komentong ito. pero better late than never diba? :))
maganda ang mga nabanggit mong punto, at sumasang-ayon ako sa karamihan ng mga ito. hanga ako sa iyong pag-amin sa sarili mong “kapalpakan” habang pinupuna mo ang “kapalpakan” ng iba.
ngunit, dapat bang makuntento na lamang tayo sa pag-amin at pagpuna ng mga kapalpakan? o dapat bang maging simula lamang ang pagpuna, at maging mitsa ito ng pagkilos para mabago ang sitwasyon?
October 10th, 2007 at 5:57 am
Salamat sa pag-comment kahit huli na. Isang taon na pala mula nung nai-sulat ko ito.
Sa paniniwala ko, hindi tayo dapat makuntento sa pag-puna at pag-amin ng kapalpakan natin dahil parang wala na rin tayong pinagkaiba sa mga nanghuli ng mga holdaper tapos pinakawalan din dahil sa walang maisip na maikaso.
Hindi mo kayang baguhin ang bansa mo. Pero kaya mo namang baguhin ang sarili mo. Kung lahat tayo ay magbabago patungo sa ikauunlad ng ating bansa, at magiging responsableng mamayan, magkakaroon ng mahigit 80 milyon na Pilipinong na maninirahan sa Pilipinas.
Kung gusto mo talagang mabago ang lahat, kailangan mo munang matalo ang pinaka-malaking kalaban ng buhay mo: IKAW. Patayin ang pride, katamaran, kaplastikan, at iba pa na hindi makakatulong sa pagunlad mo, at ng bayan mo.
Kung lahat hindi bibili ng pirated CDs, walang ring magbebenta. Kung ikaw ay hindi bibili, at ikakalat mo rin ang kaalaman mo na huwag bumili ng pirated CDs, lahat malalaman na hindi ito mabuti. Sa halip, sabihin mo na sa LimeWire nalang sila kumuha libre dun.
January 31st, 2008 at 12:53 am
di na kailangan mag outs ng presi at susunod pa ang tunay na problema ung kultura natin at ang sistema ng pamahalaan natin… wala tayong displina di tau nagkakaisa
lam mo ba kung bakit me nagraraly??? kase malalim ung pananaw nila sa pinaglalaban nila gunun un
January 31st, 2008 at 7:24 am
Sa pagkakaintindi ko, ang sinuggest kong solusyon ay ayusin natin ang buhay natin at mamuhay ng tama.
Gaano ka naman kasigurado na malalim ang pananaw nila sa pinaglalaban nila?
March 25th, 2009 at 5:39 am
So.. like HECK. alam kong SOBRANG SOBRANG late na ko. tatlong taon na po ata tong entry nyo na to ah. congrats ~ ?
so, actually, nagssearch ako tungkol sa pasma and guess what ~ ! bigla kong nahanap tong site nyo rotflmao. at natuwa ako masyado sa pagbabasa. AS IN GRABE. idol na kita! para kang bob ong. ewan ko. feel ko lang siguro. pero nakakatuwa talaga po kasi.
at siguro, itong entry na to ang tatatak sakin.
actually, ngayong gabi (AS IN NGAUN LANG) naisipan magbago. nakakainspire kasi yung ambassador to japan blah blah [hindi ito yung TOTOONG rep ng phil sa jp ha? basta yun. pilipina sya. pinag-aral ng Rotary. tas nakapuntang jp. nakastay sa jp for so long ata?].. basta sobrang puro nya sa japan and like parang todo abandona na sya sa pilipinas (parang ako? XD yes. months ago.) at parang feeling nya hapon na sya kasi sobrang proud sya :)) So like, dhl sa sobrang AWE ko sa kaugalian ng japanese.. kasi accdg to her, masipag daw sila, malinis, ganun.. at naimagine ko naman kasi syempre, jdorama fanatic ako (ohgod.)
OKAAAAY. ang haba na. cocomment lang dapat ako eh tae. XD so okay. ang masasabi ko lang:
Idol na kita. At ang totoong tatatak sakin ay ito: Kung gusto mo talagang mabago ang lahat, kailangan mo munang matalo ang pinaka-malaking kalaban ng buhay mo: IKAW. Patayin ang pride, katamaran, kaplastikan, at iba pa na hindi makakatulong sa pagunlad mo, at ng bayan mo.
^ yan din kasi ang narealize ko 2 days ago pagkatapos nakinig dun sa .. err.. bisita. at infairness, bigla akong naging masipag today! love it.
Sana mas madami ka pa pong mainspire na mga pilipino. Gusto ko ng may magawa para sa bansa natin (at tigilan na ang sobrang pagkainggit sa bansang hapon) . End.
May 5th, 2009 at 9:25 pm
tae kuya clarence. makata ka ah. iboboto kitang congressman ng cainta kung ganyan ka ng ganyan. hahahahaha
Leave a Reply