Thursday, December 15th, 2005...5:31 am

Good morneng

Jump to Comments

Tapos na ang sem. Sa ngayon hindi pa gaano dahil
makikipagsagupaan pa ako sa apat na exam na kumakain ng buhay na bata. Pero
chicken lang yan dahil wala sila sa yabang ko. Sarap ng magpahinga dahil parang
kinikiliti na ako ng pasko para magpakatamad.

Bagamat malapit na ang pasko, hindi parin uso ang mga text
messages na puro Merry Christmas ang mensahe.

Wala paring tatalo sa mga mensahe tuwing umaga. Madalas
akong makatanggap ng “Gud am! Musta u?” Hmm… Ang aga pa para sirain ang araw
ko.

Ang mga pinoy ay likas na mahilig bumati. Kahit sa radyo na
nga lang eh. Eto ang pangkaraniwan kong naririnig tuwing may caller sa radyo:

DJ: So may babatiin ka ba?

Alam naman talaga niyang maraming babatiin ang tumawag.

Caller: Uhmm…

Nahihiya pa kunwari. Pero nag-iipon lang yan ng lakas ng
loob.

DJ: Sige na bati ka na.

Kahit na ayaw naman talaga niya. Alam niyang kinukuha
lang ni ‘Caller’ ang mahabang listahan niya ng babatiin.

Caller: Hi po sa lahat ng nakikinig! Especially po Nanay at
Tatay kong nakikinig ngayon. Happy bertdey kay Bing-bong, Jon-jon, Lot-lot,
Nik-nik, Junior, Restituto, Epifanio, Julieta, Totoy Bibo, Boyet, Tito Mando,
Manang Baby, Tita Sweetheart, at sa lahat po ng mga kaibigan kong nakikinig! Text
me lang! At saka kay blah blah… Pati kay the quick brown fox jumped over the
fence. (Tamad na akong mag-type).

Tapos biglang magkakaroon ng panandaliang katahimikan.
Bumubwelo.

Caller: Uhmmm… Can I pass the phone?
DJ: Ughhh…

Lukot na ang mukha ni DJ dahil inubos na oras para sa 4-hour
marathon ng mga kanta ni April Boy Regino at Jose Mari Chan. Pinagpapawisan na si Mr. DJ. Pinaghalong sakit ng tiyan at poot ang nararamdaman niya. Naipasa na ang
telepono.

Pinasahan ng Caller: Happy bertdey nga pala ke—
DJ: MARAMING SALAMAT SA PAGTAWAG NINYO! LET’S CHECK OUT SUZI
FROM TRAPIK.COM FOR TRAFFIC REPORT.
Radio: ~~ Sumayaw
sumunod sa Sexbomb! I-bomba mo! I-bomba mo! ~~

Nakahinga na ng maluwag ang DJ. Di nagtagumpay sa
radio-spamming ang pinasahan ng caller.

Oo, kasama/katabi niya ang Nanay at Tatay niya. Pero binati
parin.

Sana ibinulong
niya nalang ang pagbati niya. Ang kapal naman ng mukha at pinasa pa ang
telepono. Baka matapos pa nila ang kanta ng Dream Theater na "A Change of
Seasons" kakabati eh.

Sa Startalk, uso rin ang batian. Sa mga mambabasa ko na wala
sa Pilipinas, palabas yun sa Channel 7. Wala akong paki kung wala kang TFC.
Basta daming batian dun. Inoorasan pa nga sila eh. Dapat 1 minute lang eh tapos
na ang bati-list nila. Yan ang dapat. May disiplina. Yun nga lang, sa tatlong
tao halos pare-pareho ang binabati nila. Bakit ba napaka-espesyal ni Dra. Vicky
Belo, Dr. Manny Calayan, Dra. Pie Calayan, at Dr. Joel Mendez. Halos lahat ng
tao kilala yata yan ah. Wala man lang bumati kay Doc Aga.

Di naman ako galit sa batian eh. May gusto pa nga akong
pagbati na inaabangan ko talaga tuwing umaga. Sa Unang Hirit yun sa GMA7 din.
Siya si Rene Sta. Cruz. Kamukha niya
yung lalaki sa Mongolian Barbeque (according to Tancueco). Pagbumati na siya
malilibang ka talaga. Ang pagbati niya ay eto:

Magandang-magandang-magandang-magandang-magandang-magandang-magandang-
magandang-magandang-magandang-magandang-magandang-magandang-magandang- magandang-magandang-magandang-magandang-magandang-magandang…
magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada-
magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada-magada….

Daig pa niya si Eminem. Parang makina. Kahit na ang sinabi
lang niya eh “maganda” at “magada” nakakalibang parin. Mas maganda nga lang
kung buo ang sasabihin niya. Pero gayunpaman, idol ko siya. Saludo ako sayo!
Husay! Parang Petrucci na walang gitara (Sorry John Petrucci, alam kong
na-offend ka dun).

O pano ba yan? Merry Christmas nalang. Huling blog update ko
to ngayong taong ito.

P.S.: Ang kantang "A Change of Seasons" ng Dream Theater ay may haba na 23 minutes and 6 seconds.



1 Comment

Leave a Reply